Nakakuha ng mataas na job approval rating na 66% si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa survey ng RPMD Foundation Inc.
Lumabas na isa lamang itong patunay na nananatiling mataas ang kumpiyansa ng taumbayan sa mga ginagawa at pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. sa bansa.
Mula sa isinagawang survey noong July 12 hanggang 19 ng kasalukuyang taon, umabot sa 68% ang nagsabing tiwala sila sa Pangulo; 27% ang walang tiwala; habang 5% ang undecided.
Kung performance naman ng Pangulo ang pag-uusapan, nasa 30% ang disapproved habang 4% ang undecided.
Samantala, pinuri naman ng ilang mamamayang Pilipino ang mga proyekto ng administrasyong Marcos Jr., tulad ng mga proyektong imprastruktura, serbisyong medikal, tulong sa pangkabuhayan, at digital governance.
Ayon kay global affairs analyst at executive director ng RPMD, Dr. Paul Martinez, lumabas sa resulta ng survey na matibay at lehitimo ang pamumuno ni PBBM bilang isang lider ng bansa.