dzme1530.ph

Approval rating ni PBBM, nananatiling mataas!

Nananatiling mataas ang kumpiyansa ng publiko sa unang taon administrasyong Marcos.

Ito ang resulta ng isinagawang independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Batay sa pinakahuling Boses ng Bayan survey, nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng 82% na approval rating habang 86% naman para sa trust rating habang mayroong 86% approval rating at 90% trust score si Vice President Sara Duterte.

Sa Congressional leadership category, pinakamataas ang approval rating nina Senate President Juan Miguel Zubiri na nasa 69% at House Speaker Martin Romualdez na umabot sa 70%.

Nanguna naman sa gabinete si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na nakakamit ng 88% performance rating at 93% trust rating.

Ikinasa ang RPMD national survey mula June 25 hanggang July 5 na nilahukan ng 10,000 adult respondents mula sa iba’t ibang siyudad at rehiyon sa bansa. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author