dzme1530.ph

Approval rating ni PBBM, bumagsak ng 15% – Pulse Asia

Bumaba ng 15% ang approval rating ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. noong buwan ng Setyembre 2023.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey na ikinasa mula September 10 hanggang 14, 2023, mula sa 80% approval rating ng Pangulo noong Hunyo, bumagsak ito sa 65%.

Habang bumulusok rin ang approval rating ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte mula sa 84%, lumagpak ito sa 73% sa kaparehong period.

Gayunman, mas mataas pa rin ang nakuhang rating ng bise presidente kumpara kay Pangulong Marcos. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author