dzme1530.ph

Approval ng Magna Carta of Filipino Seafarers, ni-recall na ng Senado

Matapos hindi muna lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binawi na ng Senado ang kanilang enrolled bill na Magna Carta of Filipino Seafarers.

Inaprubahan ng mga senadoor ang Senate Concurrent Resolution no. 17 na bumabawi sa ratipikasyon nila sa Senate Bill 2221 at House Bill 7325.

Una rito, nais ng Malacañang na aralin pang mabuti ang panukala bago muling ibalik para sa lagda ng Pangulo.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, mismong ang Pangulo ang humiling na ayusin muli ng Kongreso ang panukala, partikular ang magiging papel ng Department of Labor and Employment.

Nagpasalamat naman si Zubiri sa punong ehekutibo dahil sa halip na i-veto ang panukala ay pinaayos na lang niya ito sa mga mambabatas.

Matapos ang pagbawi ay muling maghaharap ang mga senador at kongresista sa bicameral committee meeting upang isapinal ang panukala.

About The Author