dzme1530.ph

Aplikasyon para sa political asylum ni Roque sa The Netherlands, naisumite na

Loading

Nakapagsumite na ng political asylum sa The Netherland si former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa gitna ng kinahaharap nitong warrant of arrest mula sa House Quad Committee sa Pilipinas kaugnay sa pagkakasangkot umano nito sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Roque, ito’y alinsunod sa utos ni Vice President Sara Duterte, kung saan, ipinagpo-pokus muna ito ng bise presidente sa kaniyang asylum bago atupagin ang pagtulong sa kaso ng dating Pangulo.

Sa ngayon, nasa lugar aniya siya na may apat na oras ang layo sa The Hague, sa Netherlands at naghihintay ng kaniyang ‘first interview’ na bahagi ng proseso ng kaniyang aplikasyon.

Nilinaw rin ni Roque na hindi ito nakakulong at malaya itong nakagagalaw dahil legal ang pagpasok nito sa nasabing bansa sa bisa ng kaniyang Schengen visa.

About The Author