dzme1530.ph

Aplikasyon ng Timor-Leste sa ASEAN, posibleng maapektuhan ng pagbasura nito sa extradition ni ex-Rep. Teves —DOJ

Loading

Posibleng makaapekto ang pagtanggi ng Timor-Leste na i-extradite si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sa aplikasyon ng bansa na mapabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, hindi maganda ang ginawang hakbang ng Timor-Leste lalo na’t nag-a-apply ito bilang miyembro ng ASEAN.

Ipinaalala pa ni Remulla na isa ang Pilipinas sa founding members ng naturang political and economic union.

Ang Timor-Leste na nakalaya mula sa Indonesia noong 2002 ay kasalukuyang mayroong observer status sa ASEAN.

Bukod sa Pilipinas, miyembro rin ng regional bloc ang Brunei Darussalam, Myanmar, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam.

About The Author