dzme1530.ph

Apat sa 16 na sakop ng Sandiganbayan warrant sa flood control scam, nakalabas na ng bansa –BI

Loading

Inilabas ng Bureau of Immigration (BI) ang travel records ng apat sa 16 na indibidwal na sakop ng Sandiganbayan warrants kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects, at nakalabas na sila ng bansa.

Ayon sa BI, si DPWH OIC–Planning and Design Division Chief Montrexis Tamayo ay umalis ng bansa patungong Qatar noong November 15.

Si Aderma Angelie Alcazar, presidente at board chairman ng Sunwest Inc., ay bumiyahe patungong Australia noong Oktubre 2, habang si Cesar Buenaventura, treasurer ng Sunwest Inc., ay umalis patungong United Arab Emirates sa parehong araw.

Si resigned Cong. Zaldy Co naman ay lumipad patungong Singapore noong Agosto 6.

Tiniyak ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na nananatiling naka-full alert ang BI at iba pang law enforcement agencies upang maisilbi ang mga arrest warrants kapag naharang ang mga naturang indibidwal sa mga port ng bansa.

About The Author