Apat na miyembro ng Philippine Army ang nasawi sa pananambang ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Dawlah Islamiya, sa Maguindanao Del Norte.
Ayon sa 6th Infantry Division, pinaslang ang mga biktima na lulan ng civilian vehicle habang pabalik sa kanilang patrol base, sa Barangay Tuayan 1, sa Bayan ng Datu Hoffer.
Galing umano ang mga sundalo sa pamimili ng mga pagkain para sa “iftar” para sa Muslim community sa lugar, na karaniwan nilang ginagawa tuwing Ramadan.
Ang mga nasawing biktima ay kinabibilangan ng dalawang privates, isang private first class, at isang corporal.