dzme1530.ph

Apat na pasahero, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Del Gallego, Camarines Sur!

Loading

Apat na katao ang nasawi habang nasa 23 ang sugatan nang mahulog sa sa 10-meter deep na bangin ang isang pampasaherong bus kaninang alas-dos ng madaling araw sa Del Gallego, Camarines Sur.

Ang bus ay nanggaling sa Quezon City at patungong Sorsogon.

Ayon sa mga nakaligtas na pasahero, posibleng nakaidlip ang driver o kaya’y inatake kaya nangyari ang aksidente.

Sa ngayon, isinasagawa ang retrieval operation ng mga otoridad upang makuha ang labi ng dalawang pasahero na kasalukuyang nasa loob pa ng nahulog na bus.

Inaantay rin nila ang attending physician, upang masuri ang driver at malaman ang naging sanhi ng insidente. 

📷: Photo credit to the rightful owner of this photos

About The Author