dzme1530.ph

Apat na minero, patay sa suffocation sa kuweba sa Bukidnon

Apat na minero ang nasawi habang naghahanap ng ginto sa loob ng isang kuweba, sa bayan ng Kadingilan, sa Bukidnon.

Walong kalalakihan ang pumasok sa kuweba sa Sitio Tinago, sa Barangay Cabadiangan noong Linggo para maghanap ng ginto, subalit sa kanilang paghuhukay ay mayroon silang tinamaan na lumikha ng usok.

Mabilis na nakalabas ang apat sa kanila habang ang apat na iba pa ay na-suffocate sa loob ng kuweba.

Hanggang kahapon ay tatlo pa lamang mula sa apat na nasawing minero ang narekober mula sa kuweba ng mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

About The Author