dzme1530.ph

Apat na kumpanya ng langis, magbibigay ng diskwento sa mga PUV driver

Loading

Pumayag ang apat na kumpanya ng langis na magbigay ng diskwento sa public utility vehicle (PUV) drivers upang makatulong na makabawi sa mga nakalipas na price hikes.

Ayon kay Department of Energy (DOE) officer-in-charge Sharon Garin, nakausap nila ang mga pamunuan ng Petron, Caltex, Shell, at Clean Fuel para sa pisong diskwento sa kada litro ng produktong petrolyo sa lahat ng mga pampublikong sasakyan.

Idinagdag ni Garin na mayroon ding iba’t ibang promos ang oil companies na nagsisilbing loyalty programs at nagbibigay ng discounts sa mga pribadong motorista.

Noong nakaraang linggo ay dalawang beses nagpatupad ng price increase ang mga kumpanya ng langis na tig-₱1.75 sa kada litro ng gasolina, tig-₱2.60 sa diesel, at tig-₱2.40 sa kerosene.

Tumaas ang presyo ng oil products noong nakaraang linggo bunsod ng gulo sa pagitan ng Israel at Iran.

About The Author