Nilahukan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Anti-Trafficking in Persons Summit kaakibat ang pribadong kumpanya sa Lungsod ng Makati.
Ang summit ay nagsisilbing isang mahalagang plataporma para sa mga organisasyon ng pribadong sektor na magsama-sama at mag-explore ng collaborative approach sa pagtugon sa mga kritikal na isyu ng Online Sexual Abuse & Exploitation of Children (OSAEC), at Child Sexual Abuse & Exploitation Materials (CSAEM).
Ang aktibidad ay nagbibigay ng pagkakataon na makisali sa mga makabuluhang talakayan, magbahagi ng pinakamahuhusay na kagawian, at bumuo ng mga estratehiya upang sama-samang labanan ang lumalaking banta ng nabanggit na programa.
Bukod dito, ang pangako ng PCG sa corporate social responsibility ay tumutulong din sa pagbuo ng mga istratehiya na titigil sa online na sekswal na pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News