Naging epektibo ang Anti-poverty programs ng Marcos Administration kaya nabawasan ang self-rated poverty at gutom sa mga Pilipino.
Sa findings ng OCTA Research Tugon ng Masa, bumaba ng 3% ang bilang ng pamilyang Pilipino na itinuturing ang sarili bilang maghirap, gayun din ang sila’y nagugutom.
Sa 4th Quarter ng 2023 ang Self-Rated Hunger ay 45%, subalit sa first quarter ng 2024 ay bumaba ito sa 43% habang ang sila’y mahirap ay bumaba rin sa 11% mula sa dating 14%.
Ayon kay Romualdez ang 3% decline ay kumakatawan sa 800,000 families na isang indikasyon na epektibo ang lahat ng economic measures na pinatutupad ng administrasyon.
Ilan sa Anti-poverty efforts ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development; Tulong Pangkabuhayan sa ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD at mga programa sa college education, free health insurance, at direct cash subsidies.