![]()
Tahasang itinanggi ni Lanao del sur Rep. Zia Alonto Adiong, na hindi “Budol” ang tinatalakay na Anti-Political Dynasty bill. Pahayag ito ni Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms at sponsor sa plenary debate.
Kagabi sa interpelation ni Caloocan 2nd Dist. Rep Edgar Erice, tinawag nitong budol ang panukala dahil ini-institutionalize umano nito lalo ang dynasty sa politika dahil sakop lamang ng pagbabawal ay second degree of relationship.
Ayon kay Adiong, paano magiging budol kung ang 60% ng local positions sa buong bansa ay apektado sa oras na tuluyan itong maging batas.
Buo rin ang kumpiyansa ni Adiong na maaaprubahan ito hanggang 3rd and final reading dahil sa dami umano ng tumayong co-author ng substitute bill ay sobra sobara na ito sa required 105 votes.
Ngayon hapon nakatakdang isalang uli ang Anti-Political Dynasty para sa approval for second reading.
