![]()
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12312 o “Anti-Pogo Act of 2025,” na nagbabawal at nagdedeklarang ilegal sa lahat ng offshore gaming operations (Pogos) sa bansa.
Sa ilalim ng batas, kanselado na ang lahat ng work permit at visa ng mga indibidwal na sangkot sa Pogo operations, kabilang ang mga service at content providers.
Mananatiling mananagot sa pagbabayad ng buwis at iba pang obligasyon sa pamahalaan ang mga operator at service provider hanggang sa huling araw ng kanilang operasyon.
Ang anumang paglabag sa batas ay ituturing na unlawful activity sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act.
Ipinagbabawal din ang recruitement ng mga Pilipino o dayuhan para sa offshore gaming.
Isang Administrative Oversight Committee na pamumunuan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, kasama ang DOJ, DICT, at DILG, ang mangangasiwa sa pagpapatupad ng batas.
