dzme1530.ph

Anti-Financial Account Scamming Act, lusot na sa ikalawang pagbasa ng kamara

Lusot na sa ikawalang pagbasa ng kamara ang House Bill 7393 o Anti-Financial Account Scamming Act na layuning protektahan ang publiko laban sa cybercrime schemes gaya ng pagnanakaw sa mga bangko at e-wallet.

Nakasaad sa panukala na papatawan ng parusang ilang taong pagkakabilanggo at pagmumultahin ng hanggang P5-M ang mga mapapatunayang nagsagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw, kumukuha, tumatanggap, naglilipat, o nagwi-withdraw ng pera o pondo sa mga bangko at e-wallet.

Kasamang parurusahan ang mga sangkot sa social engineering scheme o panloloko para makuha ang confidential o personal na impormasyon ng mga may-ari ng financial accounts.

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mag-imbestiga at humingi ng cybercrime warrants alinsunod sa cybercrime law.

Samantala pinsisiguro naman ng panukala sa mga bangko at ibang financial institutions na protektahang maigi ang access sa kanilang mga account sa pamamagitan ng multi-factor authentication, security redundancies, at iba pang account-holder authentication.

About The Author