dzme1530.ph

ANTI-EPAL POLICY NG DILG, SUPORTADO NG ILANG SENADOR

Loading

NAGPAHAYAG ng suporta ang ilang senador sa ipinatutupad na anti-epal policy ng Department of the Interior and Local Government o DILG, na nag-aatas na tanggalin ang pangalan at litrato ng mga pulitiko sa mga proyekto, programa, at ari-arian ng pamahalaan.

 

Ayon kay Senator Loren Legarda, ang paglalagay ng pangalan at mukha ng mga pulitiko sa mga proyektong pinondohan ng kaban ng bayan ay hindi lamang simpleng pag-eepal kundi malinaw na pag-abuso sa pondo ng gobyerno. 

 

Maituturing anya itong pagnanakaw at pagtataksil sa tiwala ng mamamayan.

 

Iginiit ni Legarda na ang public office ay isang public trust at hindi dapat gamitin bilang plataporma para sa personal na publicity. 

 

Dahil dito, hinikayat niya ang kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan at aprubahan ang kanyang inihain na panukala na gawing permanente ang polisiya sa pamamagitan ng Anti-Epal Act o Senate Bill No. 1716.

 

Samantala, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na walang lugar sa serbisyong publiko ang mga epal billboard na nagtatampok ng pangalan at mukha ng mga pulitiko. 

 

Idinagdag pa ni Lacson na maaaring magpahiwatig ang ganitong gawain ng posibleng iregularidad o “tongpats” hindi lamang sa mismong proyekto kundi pati na rin sa mga billboard na posibleng overprice.

About The Author