dzme1530.ph

Anti-Drug Abuse Councils, isasailalim ng DILG sa performance audit

Magsasagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng annual performance audit ng Anti-Drug Abuse Councils (ADACS) sa mga lokalidad upang matiyak na aktibo silang nakikilahok sa anti-drug campaign.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, sakop ng audit ang lahat ng 81 provincial, 146 cities, at 1,488 ADACS sa buong bansa.

Sinabi ng kalihim na i-a-assess ang mga ito sa pamamagitan ng pagiging organisado; pagsasagawa ng quarterly meetings; paglalaan ng pondo para sa implementasyon ng anti-drug activities na nakaaad sa peace and order and public safety plan; pagpapatupad ng mga plano at programa ng ADAC; at innovation.

Binigyang diin ni Abalos na hindi nagtatapos sa rehabilitasyon ang tungkulin ng mga ADAC at LGU, dahil kailangan din tiyakin na magiging produktibong kabahagi ng lipunan ang mga drug user paglabas nila ng rehabilitation centers, sa pamamagitan ng skills training activities at iba pang reintegration programs. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author