dzme1530.ph

Anti-bullying policy sa mga paaralan, tututukan ng Deped

Tututukan ng Dep’t of Education ang anti-bullying policy ng mga paaralan, alinsunod sa Anti-Bullying Act.

Ayon kay DepEd sec. Sonny Angara, kahit may batas ay kakaunting paaralan lamang ang may sariling polisiya laban sa pambubully.

Binanggit din ni Angara ang problema sa cyberbullying.

Kaugnay dito, babantayan ng DepEd ang pagsunod ng bawat paaralan sa nasabing batas.

Kabilang din dito ang polisiya ng DepEd sa pagbabawal ng smart phones at cellphones sa loob ng mga classroom, habang ang mga guro naman ay may tungkuling ipaliwanag sa mga mag-aaral ang tamang paggamit ng teknolohiya.

Itataguyod din ang pagtuturo ng good manners and right conduct.

Samantala, ipinatitiyak din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sasaluhin ng ibang miyembro ng faculty ang paggabay sa mga estudyante kung wala silang guidance counselor.

About The Author