Hinikayat ni National Security Adviser Eduardo Año ang mga mamamahayag na labanan ang mga mapanirang naratibo kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea.
Sa WPS Seminar kasama ang Malacañang Press Corps, ipina-alala ni Año na sa balikat ng mga mamamahayag naka-atas ang napakahalagang papel ng komunikasyon, kabilang ang pagpapaunawa ng isyu sa publiko.
Kaugnay dito, hinimok ang media at maging ang mga Pilipino na tumindig laban sa mga malisyosong naratibo, fake news, disinformation, at misinformation, na nagmamaliit sa national interest.
Ipina-alala rin ni Año na ang media ay hindi dapat mahulog sa patibong na naglalayong pagbukurin ang bansa at pahinain ang paggigiit sa soberanya, sovereign rights, at jurisdiction sa WPS.