![]()
Hindi na nakakagulat ang anunsyo ni Vice President Sara Duterte na kakandidato siya sa 2028 presidential election.
Ayon kay La Union Rep. at House Deputy Speaker Paolo Ortega V, hindi totoo na principled stand laban sa korapsyon at inneficiecy ng gobyerno ang dahilan ng paglakas nito sa gabinete ni PBBM.
Malinaw umano na “political repositioning at larger political trajectory” ang rason ng pagkalas nito sa administrasyon.
Binigyan diin ni Ortega na ang turning point sa pagkabasag ng alyansa ay ang kontrobersiya sa confidential at intelligence funds sa Office of the Vice President at sa DepEd nung siya pa ang kalihim.
Nang gampanan umano ng Kongreso ang constitutional power to oversight, at humingi ng paliwanag kung paano ginamit ang pondo, naging central issue na ang transparency.
Dagdag pa ni Ortega, bahagi ng democratic right ang pagtakbo sa pampanguluhan, subalit ang publiko ay nangangailangan ng kaliwanagan na siyang iniiwasan ni VP Duterte.
