dzme1530.ph

Anne Curtis, kumukuha ng acting refresher para sa pagbabalik pelikula

Ibinahagi ng aktres na si Anne Curtis na sumasailalim siya sa refresher course para sa upcoming film kasama si Direk Erik Matti, na kanyang gagawin makalipas ang apat na taon.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Anne ang scripts ng kanyang pelikula na may working title na “Buybust: The Undesirables.”

Bagaman wala nang iba pang mga detalye na binanggit, tila lumalabas na ang pelikula ay follow-up project sa 2018 hit film na “Buy Bust” nina Anne at Direk Erik.

Nagpahayag naman ang direktor, pati na ang iba pang celebrities at fans ng excitement bilang tugon sa post ng aktres, sa pamamagitan ng comment section.

Bago ito ay isiniwalat ni Anne na kumukuha siya ng Saloc Kayi training para sa nalalapit na proyekto. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author