dzme1530.ph

Anim pang senador, tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor

Loading

Isiniwalat ni COMELEC Chairman George Garcia na anim pang senador ang tumanggap ng campaign donations mula sa mga contractor.

Ayon kay Garcia, ang mga donor ng mga naturang senador ay kabilang sa 55 contractors na nag-ambag noong 2022 elections.

Tumanggi naman ang poll chief na ibunyag ang kanilang mga pangalan habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng COMELEC.

Paliwanag ni Garcia, ang pagdo-donate ng mga contractor sa mga politiko ay hindi awtomatikong paglabag sa batas.

Bagaman nakasaad sa Omnibus Election Code na ipinagbabawal ang campaign donations mula sa mga personalidad na may kontrata o subcontracts sa gobyerno, hindi saklaw nito ang mga private contractors.

Matatandaan na inisyuhan ng COMELEC ng show-cause order si Sen. Chiz Escudero, matapos aminin ni Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc., na nag-donate siya ng ₱30 milyon sa kampanya ni Escudero, at kumpirmadong may kontrata ang kanyang kumpanya sa gobyerno.

About The Author