Mahigpit na binabantayan ng Department of Justice (DOJ) ang anim hanggang pitong posibleng nagpapatakbo ng cartel na responsable sa pagho-hoard ng sibuyas at iba pang agricultural products.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang mga naturang personalidad ay pinangalanan na sa senate investigation hinggil sa paglobo ng presyo ng sibuyas noong Disyembre ng nakaraang taon.
Kabilang sa mga ito sina Manuel Tan na nag-ooperate umano sa Subic, Cagayan De Oro, at Batangas; Lea Cruz sa Manila International Container Port (MICP) at Cagayan De Oro; Andrew Chang sa MICP; at Michael Yang na nag-o-operate umano sa lahat ng 17 ports ng Bureau of Customs sa buong bansa.
Idinagdag ni Remulla na tukoy na ng National Bureau of Investigation ang hoarders sa Cebu.
Tiniyak din ng kalihim na ang mga smuggler ay kakasuhan ng economic sabotage. —sa panulat ni Lea Soriano