dzme1530.ph

ANGELINE QUINTO, GA-GRADUATE SA COLLEGE SA HUNYO

Loading

Nakatakdang grumadweyt si Angeline Quinto sa college sa Hunyo, bagaman dapat ay sekreto muna ang achievement sa kanyang asawa na si Nonrev Daquina, at sa kanyang pamilya.

 

Binati si Angeline sa kanyang academic achievement sa kanyang contract renewal ceremony sa Star Music, kung saan ima-manage din siya ng One Music Management at Kreativden.

 

Nagulat ang singer-actress sa congratulatory message, kaya pabiro itong napatalon sa kinauupuan.

 

Paliwanag ni Angge, hindi ito alam ng kanyang mister at kanyang pamilya.

 

Kumuha ang singer ng Business Management, major in Marketing sa Immaculada Concepcion College, at naka-schedule ang kanyang graduation sa June 16.

About The Author