dzme1530.ph

Angelica Lopez ng Palawan, itinanghal bilang Binibining Pilipinas International 2023

Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas International 2023 ang pambato ng Palawan na si Angelica Lopez. 

Habang nakuha naman ni Anna Valencia Lakrini ng Bataan ang Binibining Pilipinas Globe 2023 title. 

Litaw ang ganda nina Lopez at Lakrini sa 39 na kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Binibining Pilipinas 2023 Grand Coronation Night, kagabi sa Smart Araneta Coliseum. 

Dahil dito, si Lopez ang lalaban para sa Pilipinas sa 61st Miss International pageant na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Oktubre. 

Samantala, itinanghal naman na first runner up si Katrina Anne Johnson ng Davao del Sur at second runner up si Atasha Reign Parani ng General Trias, Cavite. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author