dzme1530.ph

Ange Kouame maglalaro para sa Chartres Metropole sa France

Maglalaro si Ange Kouame sa professional basketball sa Europe.

Ang 6’11 na dating Ateneo De Manila University star ay pumirma ng kontrata sa UB Chartres Metropole, isang team sa French League Nationale Masculine 1.

Si Kouame na dating UAAP MVP at Rookie of the Year, ay mahalaga sa pagkapanalo ng gintong medalya ng Gilas Pilipinas sa katatapos lamang na 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.

Gumawa si Kouame ng 14 points, 11 rebounds, 5 steals, at 2 blocks para sa tagumpay ng Filipino Cagers sa final game laban sa Jordan.

Ang Ivory Coast-Born athlete na tumanggap ng Filipino Citizenship noong 2021, ay naging bahagi rin ng Rain or Shine Elasto Painters sa ginanap na 2023 William Jones Cup. –Sa panulat ni Lea Soriano

About The Author