Iimbitahan ng House Committee on Human Rights ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at aktres na si Gretchen Barretto kaugnay ng imbestigasyon sa pagkawala ng 34 sabungero.
Ayon kay Manila Rep. Benny Abante Jr., padadaluhin sa pagdinig sina Ang at Barretto, gayundin ang magkapatid na Patidongan na nag-akusa laban sa kanila, at 18 pulis na umano’y sangkot sa kaso.
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Abante sa imbestigasyon ng pamahalaan dahil sa kawalan ng kasong isinampa sa korte.
Inakusahan ni Julie “Dondon” Patidongan, dating chief of security sa farm at sabungan ni Ang, sina Ang at Barretto na may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero na aniya’y lahat ay patay na.