dzme1530.ph

Andanar tinawag na Fake News ang akusasyon laban sa kanya

Tinawag na ‘fake news’ ni dating Communications Secretary Martin Andanar ang akusasyon na siya umano ang nasa likod ng Disinformation Campaign ng Tsina laban sa Pilipinas.

Sa Facebook post ni Andanar, tila may pinasasaringan ito matapos ilahad ang “A= for effort at kunwari staunch defender. C= For corned beef at Purefoods pa rin ang the best para sa akin. F= For fake news. Research lang ng konti para hindi mapahiya sa dulo at mabansagang mema lang.”

Una rito, isiniwalat ni Katrina Ponce Enrile, anak ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa isang event ng Cagayan Economic Zone Authority na nakarating sa kanya na tinutulungan ni Andanar ang China.

Si Andanar ay kasalukuyang nasa Beijing bilang News Anchor ng China Global Television Network na isang State-owned at English-Language News Channel.

–Sa panulat ni Joana Marie Luna, DZME News

About The Author