dzme1530.ph

Anak ni Sheryl Cruz na si Ashley, nakatakdang grumadweyt bilang summa cum laude sa California

Very proud mom ang aktres na si Sheryl Cruz nang ianunsyo niya na magtatapos ang kanyang anak na si Ashley Bustos na isang psychology student sa San Francisco State University sa California bilang summa cum laude.

Ginawa ng aktres ang announcement sa kanyang instagram page, kung saan ipinost niya ang screen shot ng kanyang video call kay Ashley.

Tinawag ni Sheryl na best mother’s gift ang kanyang natanggap nang malaman na ga-graduate ang anak na summa cum laude ngayong Mayo.

Kasunod nito ay tumanggap ang mag-ina ng congratulatory greetings mula sa fans, pati na rin sa kapwa celebrities na sina Tina Paner, Geneva Cruz, at Jennifer Sevilla, sa pamamagitan ng comments section.

Si Ashley ay anak ni Sheryl sa dati nitong asawa na si Norman Bustos, na kasalukuyang naninirahan kasama ng ama nito California. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author