dzme1530.ph

Amnestiya na ipinagkaloob kay ex-Sen. Trillanes IV, legal —SC

Idineklara ng Korte Suprema na legal ang amnestiya na ipinagkaloob kay dating Senador Antonio Trillanes IV.

Inihayag din ng kataas-taasang hukuman na unconstitutional ang proklamasyon na inisyu ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na bumabawi sa naturang amnesty.

Sa desisyon na pinonente ni Supreme Court Associate Justice Maria Filomena Singh, nakasaad na hindi maaring bawiin ng pangulo ang amnestiya nang walang concurrence o pag-sang-ayon mula sa Kongreso.

Ibinase ng SC ang kanilang ruling sa pangunguna ng bill of rights, kasabay ng paninindigan na walang sinuman ang mas mataas sa batas.

About The Author