dzme1530.ph

AMLC, nakikipag-ugnayan na sa PAGCOR sa imbestigasyon sa mga casino na nagagamit ng DPWH officials sa anomalya sa flood control projects

Loading

Nakikipag-ugnayan na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at PAGCOR kaugnay sa imbestigasyon sa mga casino na umano’y ginagamit ng ilang opisyal ng DPWH sa maanomalyang flood control projects.

Sa budget hearing ng Senate Committee on Finance para sa P333.1 million na pondo ng AMLC sa 2026, tinanong ni Sen. Raffy Tulfo kung posible ang sabwatan ng mga big-time players mula sa DPWH at mga tauhan ng casino para makapagsagawa ng money laundering.

Ayon kay AMLC Executive Director Matthew David, maaari itong mangyari. Kasalukuyan aniyang nagtutulungan ang AMLC at PAGCOR para silipin ang mga public officials partikular ang tinaguriang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors.

Maaari rin aniyang magsagawa ng targeted on-site examination ang AMLC sa mga casino at pag-aralan ang paglalagay ng kanilang tauhan doon.

Dagdag ni David, magiging batayan ang imbestigasyon ng AMLC para maglabas ng freeze order at magsampa ng kaso laban sa mga sangkot sa money laundering.

About The Author