dzme1530.ph

American fugitive, arestado sa QC ng Bureau of Immigration 

Inaresto ng mga miyembro ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang isang Amerikanong lalaki na tinaguriang undesirable alien sa Brgy. Krus na Ligas sa Diliman, Quezon City.  

Ayon sa imbestigasyon ng BI, ipinaabot sa kanilang tanggapan ng gobyerno ng US ang mga detalye ng pagkakakilanlan ng subject at mga krimeng kinasangkutan nito.  

Binawi din ng US ang pasaporte ng Amerikano at siya ngayon ay itinuturing na isang undocumented at hindi kanais-nais na dayuhan ng Philippine immigration.  

Dito na ikinasa ang misyon ng BI para sa paghahanap at pagdakip sa American National na lalaki na kinilalang si Jonathan Michael James, 37, years Old, na isang pugante at may warrant of arrest na inisyu ng Davidson County, Sherrif’s Office, North Carolina, USA para sa limang bilang ng Second Degree Sexual Exploitation of a Minor, in Violation of Section 14-190.17.  

Ani Tansingco, kasalukuyan ng nasa cutudiya ng BI holding facility sa Taguig ang Amerikano, habang hinihintay ang kanyang tuluyang deportasyon. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News 

About The Author