dzme1530.ph

American firm Texas Instruments Inc., mag-iinvest ng $1-B para sa expansion ng kanilang facilities sa bansa

Mag-iinvest ang American Microprocessors manufacturer na Texas Instruments Inc. ng $1-B sa Pilipinas, para sa pagpapalawak ng kanilang pasilidad sa Clark at Baguio City.

Sa US-ASEAN Business Council’s Meeting sa Malakanyang kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inanunsyo ng US firm ang planong mag-sumite ng aplikasyon para sa expansion.

Ang nasabing investment ay maaaring maging pasok sa threshold ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law.

Bukod sa pagpapasigla sa rehiyon, nakikita ring maiibsan nito ang shortage ng chips sa global economy.

Welcome naman sa Pangulo ang planong investment at tiniyak nito na may nakahandang workforce ang Pilipinas na bukas na makipag-trabaho sa foreign corporations.

Suportado rin ni Marcos ang pagpapalakas ng microprocessors manufacturing na isa sa mga pangunahing contributor ng exports ng bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author