Nag-alok ng tulong ang Estados Unidos para sa mga nasalanta ng bagyong Carina at Habagat sa Pilipinas.
Sa courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, nagpabatid ng pakikidalamhati si US Sec. of State Antony Blinken para sa mga biktima ng kalamidad.
Kasabay nito’y sinabi ni Blinken na handa silang magbigay ng anumang tulong.
Nagpaabot din ng pakiki-simpatya si US Defense Sec. Lloyd Austin, at ipina-alala nito na bukod sa pagiging kaalyado ay pamilya rin ang turing ng America sa Pilipinas.
Masaya naman ang Pangulo na nakahanap ng oras ang dalawang Top US officials na bumisita sa bansa sa gitna ng political situation sa America.