dzme1530.ph

America, inaasahang tutupad pa rin sa treaties sa Pilipinas kahit pa muling mahalal si Trump

Naniniwala si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutupad pa rin ang America sa treaties o mga kasunduan sa Pilipinas, kahit pa matalo si US President Joe Biden at muling mahalal ang bilyonaryong si Donald Trump.

Ayon sa Pangulo, kung mare-reelect si Biden ay siguradong mananatili ang solidong tindig ng America para sa Pilipinas batay na rin sa kanilang napag-usapan.

Gayunman, kung mananalo si Trump ay tiyak na magkakaroon ng pagbabago sa polisiya.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na ang kasunduan sa America ay mas matimbang pa sa pulitika, kaya’t inaasahang tutuparin pa rin nito ang treaty agreements.

Sa Nobyembre ay muling maghaharap sina Biden at Trump para sa 2024 US presidential elections.

About The Author