dzme1530.ph

Amendments sa Government Procurement Act, Excise Tax sa single-use plastics, idinagdag ng LEDAC sa common legislative agenda ng 19th Congress

Inaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang ilang panukalang batas na idinagdag sa common legislative agenda ng 19th Congress.

Sa 3rd LEDAC meeting sa Malakanyang, inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagdagdag ang economic team ng Pangulo ng priority bills.

Sinabi ni Zubiri na kanila itong sinusuportahan dahil wala naman silang nakitang kontrobersyal sa mga panukala.

Kabilang dito ang amendments sa Government Procurement Act, Excise Tax sa single-use plastics, amendments sa Cooperative Code, Amendments Sa Fisheries Code, New Government Auditing Code, Rationalization of the Mining Fiscal Regime, at Philippine Defense Industry Development Act.

Kasama rin ang Philippine Maritime Zones Act, Open Access in Data Transmission Act, at amendments sa Right-of-Way Act.

Matatandaang una nang sinabi ng Palasyo na “on track” o positibo ang kongreso na maipapasa nito ang 20 priority legislations ng Pangulo bago matapos ang taon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author