Amb. Lacanilao, tinuluyang i-contempt at nakadetine na sa Senado

dzme1530.ph

Amb. Lacanilao, tinuluyang i-contempt at nakadetine na sa Senado

Loading

Tinuluyan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ng patawan contempt si Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao na ngayon ay nasa kustodiya na ng Senado.

Ayon kay Atty. Arnel Jose Banas, Senate Spokesperson, kusang sumuko si Lacanilao makaraang matanggap ang contempt order na pirmado ni Escudero.

Ito ay matapos ang ebalwasyon sa isinumiteng sagot ng ambassador sa show cause order ni Escudero kung bakit hindi siya dapat icontempt.

Inooblilga rin si Lacanilao na dumalo sa mga susunod na pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa isyu ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na pinagsisikapan nilang magkaroon pa ng pagdinig sa isyu dahil marami pa silang impormasyong nais makuha mula sa mga awtoridad.

Kabilang dito ay kung sino ang nagmamay-ari ng eroplano na pinagsakyan kay dating Pangulong Duterte patungong The Hague na sinasabing ilang beses na ring sinakyan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Aminado naman ang senadora na nahihirapan silang mag-imbita ng mga testigo para sa pagdinig.

About The Author