dzme1530.ph

Ama ng batang babae na napatay dahil sa sukli, nasakote na ng MPD

Inaresto na Manila Police District (MPD) ang tatay na responsable sa pagkamatay ng sarili nitong anak, dahil sa pambubugbog.

Ayon kay MPD Director PBGen Andre Perez Dizon, nadakip ito ng kanyang mga tauhan na sina Pat. Cristian Bacani at PCPL Ariel Angeles ng Don Bosco Police Community Precinct.

Kwento ng mga pulis, hindi pa nga nila kaagad nakilala ang suspek na si Carlo Dianni Lloren habang sila ay nagpapatroly, kagabi, sa bahagi ng CP. Garcia St, Corner Pacheco St, Barangay 116, sa Tondo.

Anila may bitbit pa na caliber 38 na baril ang suspek na nasa gilid ng kanyang beywang.

Nakatakdang isailalim ang naturang baril sa imbestigasyon kung lisensiyado ba ito at sa ballistic kung nagamit ba ito sa krimen.

Dagdag pa ni Gen. Dizon, habang sinisita at dinarakip ang suspek pumalag pa ito at nagkaroon ng habulan hanggang sa tuluyan nang masakote ito.

Sinabi pa ni MPD Homicide Section Police Chief Captain Turla, hinihintay pa nila ang ang resulta ng autopsiya sa bata, na posibleng lumabas na sa susunod na linggo.

Sasamapahan ng kasong parasite si Lloren dahil sa ginawa nitong krimen sa sariling anak. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author