Alyansa para sa Bagong Pilipinas, nabahala sa sinasabing pang-iimpluwensya ng China sa resulta ng midterm elections - dzme1530.ph

dzme1530.ph

Alyansa para sa Bagong Pilipinas, nabahala sa sinasabing pang-iimpluwensya ng China sa resulta ng midterm elections

Loading

AMINADO ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na lubhang nakakaalarma at nakababahala ang pagbubunyag ng matataas na opisyal sa seguridad ng bansa ukol sa posibleng panghihimasok ng mga banyaga sa nalalapit na halalan.

 

Sinabi ni Alyansa Campaign Manager at Cong. Toby Tiangco na hindi maaaring kuwestyunin ang karapatan ng bawat Pilipino na malayang makapamili ng kanilang mga pinuno—nang walang manipulasyon, pananakot, o impluwensiyang dayuhan.

 

Idinagdag ng kongresista na ang anumang tangkang pakikialam sa prosesong ito ay tahasang paglabag sa pambansang integridad at dapat kondenahin nang buong tapang at nang walang pag-aalinlangan.

 

Hindi anya ito simpleng usaping politikal kundi usapin ng pambansang seguridad.

 

Nanawagan din ang Alyansa na agad imbestigahan ang impormasyon, papanagutin ang mga may sala, at tiyaking mananatiling sagrado ang halalan.

About The Author