Alyansa, buo ang tiwala sa integridad ng Comelec para sa Halalan; nanawagan sa publiko na maging matalino sa pagboto

dzme1530.ph

Alyansa, buo ang tiwala sa integridad ng Comelec para sa Halalan; nanawagan sa publiko na maging matalino sa pagboto

Loading

Walang nakikitang rason si dating Senate President Vicente Tito Sotto III upang pagdudahan ang integridad ng Commission on Elections kaugnay sa isasagawang eleksyon.

Sa gitna ito ng pagkakaaresto sa isa umanong Chinese spy malapit sa tanggapan ng Comelec.

Sa press conference sa Lucena City, sinabi ni Sotto na buo ang kanilang tiwala na magagampanan ng Comelec ang kanilang tungkulin sa halalan ng maayos.

Sinabi naman ni ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na nasa kamay na rin ng mga botante kung anong klaseng Senado at mga opisyal ng gobyerno ang mailuluklok sa gobyerno.

Ipinaliwanag ni Tulfo na makikita naman ng mga botante kung sinu-sino ang nararapat na ihalal upang hindi maging Chinese-controlled Senate o Congress ang maninilbihan.

Binigyang-diin naman ni dating DILG Sec. Benhur Abalos na matitiyak niya na ang buong Alyansa ay pro-Pilipinas.

Umaasa naman si dating Sen. Panfilo Lacson na magiging matalino ang mga botante.

Tiniyak naman ni Makati City Mayor Abby Binay na magpapatuloy ang kanilang pangangamnpanya upang matiyak na lahat sila ay mananalo.

About The Author