dzme1530.ph

Alyansa bets, inilatag ang mga programa para sa mga taga-Cavite

Loading

Inilatag ng senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang mga programang nais tutukan sa lalawigan ng Cavite sa kanilang panliligaw sa mga taga-Cavite.

Si dating Sen. Manny Pacquiao nangako ng tunay na pagbabago sa pagbibigay prayoridad sa mga batas para sa proteksyon ng mga OFW, libreng pabahay at kapakanan ng mga barangay officials and workers.

Sinabi ni Pacquiao na isusulong niya ang implementasyon ng OFW Handbook Law na ipinasa upang matiyak na protektado ang mga bagong bayani saan man sila magtrabaho sa mundo.

Ipagpapatuloy rin niya adbokasiya sa libreng pabahay na sinimulan niya tuwing mananalo sa boksing na naglalayong matiyak na walang Pilipinong walang disenteng tirahan.

Kasabay nito, kinilala rin ni Pacquiao ang mahalagang papel ng mga opisyal ng barangay sa kaunlaran ng bansa kaya’t dapat ibigay ang maayos na insentibo para sa kanila.

Tinutukan naman ng ibang Alyansa bets ang pagpaparami ng trabaho para sa Cavite at sa iba pang lugar sa bansa.

Nais ni dating DILG Sec. Benhur Abalos ng reporma sa mga energy sector para mapababa ang presyo ng kuryente upang mas maging attractive ang Cavite sa mga negosyante partikular sa mga manufacturing firms.

Napakamahal aniya ng presyo ng kuryente sa Pilipinas, na isa sa pinakamataas sa Asya, at siyang nagtataboy sa mga mamumuhunan na maglagay ng mga pabrika at magkaroon ng mga large-scale operations.

Dahil dito, isusulong niya ang pagtatanggal ng buwis sa kuryente na malaking kabawasan sa presyo nito.

Sinabi naman ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kailangang palakasin ang mga maliliit na negosyo upang mas marami pang trabaho ang maipagkaloob sa mga Pilipino.

Nais naman ni Senador Francis “Tol” Tolentino ng mas marami at maayos na mga infrastructure projects dahil makakaanyaya ito ng nga mamumuhunan at makakalikha ng mga trabaho.

About The Author