dzme1530.ph

Aluminum boat na sinakyan ng 4 na nawawalang PCG rescuer, natagpuang palutang-lutang sa Calayaan Island

Natagpuan na ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan.

Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ito ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island.

Kwento ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang pitong milya mula sa naturang isla.

Samantala, bigo pa rin ang PCG na makita ang apat na rescuer kung kaya’t nagpapatuloy pa rin ang malawakang aerial at surface search and rescue operations para mahanap ang mga ito na napag-alamang nawala sa kasagsagan ng bagyong #EgayPH noong ika-26 ng Hulyo 2023. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author