Tatalakayin ng National Board of Canvassers ang iba’t ibang isyu sa partylist group kaugnay sa katatapos na halalan.
Sa sesyon kagabi ng NBOC matapos ang canvassing sa 175 na certificate of canvass, hiniling ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa lahat ng mga abogado ng mga partylist groups na magsumite sa kanilang ng position paper kaugnay sa mga isyu dapat talakayin.
Una na rito ay kung ilan ang bilang ng puwestong nakalaan para sa mga partylist groups.
Sinabi ni Garcia na dapat tuluyan nang maresolba kung 63 o 64 ang pwesto para sa Partylist groups sa Kamara.
Bukod dito, dapat ding mapag-usapan ang tamang distribusyon ng number of seats sa mga nanalong partylist group.
Sa unaudited official tally ng Comelec, top 10 sa partylist race ang:
1 AKBAYAN – 6.63%
2 DUTERTE YOUTH – 5.57%
3 TINGOG – 4.34%
4 4Ps – 3.50%
5 ACT-CIS – 2.96%
6 AKO BICOL – 2.56%
7 USWAG ILONGGO –
8 SOLID NORTH – 1.82%
9 TRABAHO – 1.69%
10 CIBAC – 1.42%