dzme1530.ph

Alok ng Portugal kaugnay sa pagsugpo ng ASF sa Pilipinas, welcome kay House Speaker Martin Romualdez

Welcome kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang alok ng bansang Portugal para tulungan ang Pilipinas na sugpuin ang African Swine Flu (ASF) na malaking problema sa hog industry.

Ang alok ay personal na ipinabatid ni Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines Maria Joao Falcao Poppe Lopes Cardoso, nang mag courtesy call ito kay Romualdez sa Manila Polo and Country Club.

Bukod sa tulong para sugpuin ang ASF, handa rin umano ang European countries na buksan ang kanilang bansa para sa mga Filipino workers.

Agad namang nangako si Romualdez sa Portuguese Ambassador na agad niyang ipapaalam sa concerned agencies at Executive Department ang magandang balita para sa kaukulang aksyon, lalo na ang pagpapalawak ng bilateral trade at cooperation sa larangan ng teknolohiya at depensa.

Ayon kay Amb. Cardoso na kasalukuyan ding Portuguese Ambassador to Indonesia at Brunei, may mga kumpanya sa kanyang bansa na handang magtungo sa Pilipinas para tumulong na sugpuin ang problema sa ASF. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author