dzme1530.ph

Alice Guo, nakalabas na ng bansa, ayon sa Immigration chief

Nakalabas ng bansa si dismissed Bamban Mayor Alice Guo nang hindi dumaan sa Immigration authorities ng Pilipinas.

Pahayag ito ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, batay sa intelligence information mula sa kanilang counterparts sa abroad.

Sinabi ni Tangsingco na natanggap ng Bureau of Immigration ang impormasyon na iligal na bumiyahe patungong Malaysia ang pinatalsik na alkalde noong Hulyo, saka ito lumipad patungong Singapore kasama sina Sheila Guo at Wesley Guo.

Ginawa ni Tansingco ang pahayag, ilang araw matapos itong dumating mula sa ASEAN Meeting ng Immigration heads sa Vietnam.

Ipinaliwanag nito na bagaman nasa Immigration Lookout Bulletin ng Department of Justice si Guo, ang pag-alis nito ay hindi naka-record sa system ng BI at centralized database.

About The Author