dzme1530.ph

Alice Guo, nagpasok ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking

Nagpasok ng not guilty plea si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kasong qualified human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court.

Inihain ni Guo, na kilala rin bilang Chinese national na si Guo Hua Ping, ang plea sa Pasig RTC Branch 167 sa pamamagitan ng videoconference.

Sinabi ni Atty. Nicole Jamilla, isa mga legal counsel ni Guo, na mariing itinanggi ng kanyang kliyente ang partisipasyon nito sa ibinibintang na krimen.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang abogado dahil sa subjudice rule.

Ang kaso ay may kaugnayan sa sinalakay na POGO hub sa Bamban noong Hunyo, kung saan mahigit 800 Pilipino at mga dayuhan ang nasagip. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author