dzme1530.ph

Alice Guo, mahaharap sa mas mabigat na parusa kapag patuloy na pinagtakpan ang mga kasabwat sa POGO ops

Panahon nang ilahad ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang buong katotohanan tungkol sa operasyon ng POGO.

Ito ang pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay sa pagbabalik sa bansa ni Guo Hua Ping.

Sinabi ni Gatchalian na sa pagharap ng sinibak na alkalde sa pagdinig sa Lunes ay mas makabubuting magsabi na siya ng totoo.

Ang patuloy anyang pagsisinungaling o anumang pagtatangka na pagtakpan ang mga kasabwat at utak sa likod ng mga operasyon ng POGO ay magdudulot lamang ng mas mabigat na parusa sa kanya.

Samantala, maging si Gatchalian ay aminadong hindi maganda na nagpapa-selfie at ipino-post pa sa social media ng mga enforcers ang pictures na kasama nila ang isang kriminal.

Hindi anya pwedeng palagpasin ng mga enforcement agencies ang ganitong asal dahil dapat magpakita ng professionalism and proper decorum ang lahat ng alagad ng batas lalo na sa pag-aresto ng mga pugante. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author