dzme1530.ph

Alice Guo, haharap sa Korte sa Capas, Tarlac ngayong araw

Umalis na ng custodial facility sa Camp Crame si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang humarap sa Korte sa Capas, Tarlac.

Pasado 9:40 kaninang umaga, inihatid na ng Criminal Investigation and Detection Group katuwang ang Headquarters Support Service (HSS) si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Philippine National Police Chief, Col. Jean Fajardo na ang pagharap ni Guo sa Korte sa Capas, Tarlac ay upang ibalik nito ang inilabas na warrant of arrest ng 3rd Judicial Region, Branch 109 dahil sa paglabag sa R.A 3019 o Anti-Graft and Corruption Practices Act na may piyansang ₱90,000.

Dagdag pa nito, ipinauubaya na nila sa korte ng Capas, Tarlac kung saan ididetene ang dating alkalde.

Sakaling magpasya ang Korte na sa Senado ikukulong si Guo ay agad naman itong ite-turnover sa Sargeant-at-Arms ng Senado. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author