dzme1530.ph

Alice Guo, dapat ipaliwanag ang labis na pagyaman —Pangulo

Dapat ipaliwanag ni dismissed Bamban Tarlac mayor Alice Guo ang labis nitong pagyaman.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pagkakahuli at pagbabalik sa Pilipinas ni Guo.

Ayon sa Pangulo, dapat ding ipaliwanag ni Guo kung papaano siya naging alkalde kahit na hindi naman siya kilala ng mga taga-Bamban.

Bukod dito, imposible rin umano na bilang alkalde ay walang alam si guo sa lumalawak na operasyon ng pogo malapit sa kanyang lugar.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos na mas maayos ang magiging mga sagot ni Guo kumpara sa kanyang mga sinasabing kasabwat na sina Sheila Guo at Cassandra Ong. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author